Hindi Pa Ba Sapat?
Hindi pa ba sapat?
Hindi pa ba sapat na bumitaw ka sa taong nagmamahal sayo?
Hindi pa ba sapat na nakalaya ka mula sa lungkot na dulot niya sa tuwina?
Hindi pa ba sapat na malaya ka nang makatagpo ng taong makakapagpasaya sayo?
Hindi pa ba sapat na nakahanap na sya ng iba kahit mahal mo pa din pala sya.
Hindi pa rin ba sapat ang isang taong kalayaan mula sa kanya?
Hindi.
Hangga't sya pa din ang taong minamahal mo.
Hangga't sya pa din ang nagpapasaya sa'yo sa kabila ng lungkot na nadarama.
Hangga't walang papares sa ligayang dulot niya.
Hangga't masanay ka na sa katotohanang meron na sya ngayong iba.
Hangga't mahal pa rin kita.
Hindi sapat ang isang taon upang mapanindigang wala ka na sa buhay ko.
Marahil ay ilang taon pa, bago tuluyang makalaya.
Hanggang kelan ko paparusahan ang sarili ko sa pag-iwan ko sa'yo?

Mga Komento
Mag-post ng isang Komento