Mga Post

"The Girl Who Can't Be Moved"

Imahe
It's been a year, my love. Since I left and broke you into pieces. It's been a year when I made myself believe that I'm better off without you, that I'm fine and had moved on in an instant. And it's been a year that I managed to pretend that I don't get hurt whenever I think of us, of you, of every what if's and could-have-beens. And it's been few months since the night that you made me realize how much distance made me fall in love with you more than I ever felt when we were still together. The same night you admitted you finally gave up on me, and starting a new life with someone else. I broke your heart, but I am the one who isn't really moving on. Not because I can't, but because I don't want to. Not because I regret giving you up back then, but because our memories through thickness and thin is what's keeping me alive since the day I killed myself. The day I broke your heart. I didn't broke up with you because I want to move on. ...

Malaya

Imahe
Malaya ka na.  Mula sa paghihintay sa aking pagbalik. Mula sa sakit dulot ng aking pagbitaw. Malaya ka na. Mula sa matatamis na alaala. Mula sa pait at pighati. Malaya ka na. Mula sa yakap ng pagmamahal ko. Mula sa dampi ng bawat halik sa 'yong mga labi. Malaya ka na.  Maaari ka nang magmahal ng iba. Maaari ka nang maging masayang muli. Ako naman. Ako naman ang luluha. Ako naman ang aasa. Ako naman. Ako naman ang maghihintay. Ako naman ang magdurusa. Ako naman. Hanggang sa matutunan kong bumitaw ng tuluyan. Hanggang sa tanggapin kong malaya na ako mula sayo. 

Hindi Pa Ba Sapat?

Imahe
Hindi pa ba sapat? Hindi pa ba sapat na bumitaw ka sa taong nagmamahal sayo? Hindi pa ba sapat na nakalaya ka mula sa lungkot na dulot niya sa tuwina? Hindi pa ba sapat na malaya ka nang makatagpo ng taong makakapagpasaya sayo? Hindi pa ba sapat na nakahanap na sya ng iba kahit mahal mo pa din pala sya. Hindi pa rin ba sapat ang isang taong kalayaan mula sa kanya? Hindi. Hangga't sya pa din ang taong minamahal mo. Hangga't sya pa din ang nagpapasaya sa'yo sa kabila ng lungkot na nadarama. Hangga't walang papares sa ligayang dulot niya. Hangga't masanay ka na sa katotohanang meron na sya ngayong iba. Hangga't mahal pa rin kita. Hindi sapat ang isang taon upang mapanindigang wala ka na sa buhay ko.  Marahil ay ilang taon pa, bago tuluyang makalaya. Hanggang kelan ko paparusahan ang sarili ko sa pag-iwan ko sa'yo?

Mahal, Ako Naman

Imahe
Kumusta mahal? Marahil ika'y muli nang nakakangiti habang nasa piling niya. Siguradong ako ngayo'y isang lumang larawan na lamang sa iyong isipan. Eto ako, mahal. Nakakangiti pa din sa mga alaalang ating minsang inipon. Nananaginip pa ding yakap mo ako ng mahigpit. Patawad, mahal. Iniwan ka't lumisan dahil puso'y napagod, isipa'y sumuko. Kumawala sa pighati ng pagsasamang hindi na natin mapausbong. Mahal, pwede ba? Pwede bang habang masaya ka na sa kanya, iwan mo muna ang mga ngiting minsan mong binigay sa akin? Ayoko lang kasing mabahiran ng lungkot ang aking pag-iisa. Hanggang sa muli, mahal. Aalagaan ko ang mga natitirang alaala, babaunin ko ang mga ngiti sa tuwina. Hanggang dumating ang panahong handa na akong umibig muli. Salamat, mahal. Sa mga pagsubok na ating hinarap, ako'y may natutunan. Sa sakit at mga luhang kumawala, ako'y muling namulat. Paalam, mahal. Unti-unti ko nang pag-aaralang bitawan a...

Siguro Ay Hindi Na Ikaw

Imahe
Wag kang mag alala. Palagay ko hindi na kita mahal. Siguro ay alaala mo na lamang ang aking minamahal. Mga alaalang pinagsaluhan natin dalawa, nung tayo ay matatawag pang "Tayo". Wag kang mag alala. Alam kong masaya ka na sa kanya. Siguro naman ay napupunan na niya ang mga kakulangan ko. Mga kakulangang inakala kong dahilan kaya hindi ako maging sapat. Wag mo akong alalahanin. Ako ang kusang bumitaw, di man dahil sa hindi ka na mahal, kundi dahil pinagod mo ang puso kong parati ka na lamang ipinaglaban. Ako ang nang-iwan ngunit tila ako ang napuruhan. Ako ang nakalaya, pero parang ako ang naparusahan. Wag mo akong alalahanin. Iiyak ko lang muli ito, hanggang wala na yung sakit. Hanggang sa maglaho na yung pait, dala ng kapabayaan mo sa pilit kong iningatan noon. Ako na lamang ang sasalo. Ako naman ang luluha. Ako nga ba ang nakalaya? O ako lamang ang nagparaya? Tila naramdaman ko noong wala nang patutunguhan, kahit ang nais ko'y kasama ka sa pag...

Panakaw Ng Saglit

Imahe
Panakaw ng Saglit Hindi na kita laging sinisilip, Pero iniisip pa din kita. Hindi na ulit kita sinusundan, Pero gusto pa din kitang masulyapan. Bawat hakbang ko pasulong, Napapaurong na ako nang bahagya. Ayoko na kasi sana ulit. Pagod na kasi talaga ako. Pero dahan-dahan lang. Uutay-utayin ko na muna ang pag-urong. Di kasi umubra nung minsan kong binigla. Akala ko, wala na - biro lang pala un. Dahil ang paglimot pala, dapat hindi lang isinasa-isip. Kundi isinasa-puso din. Posible pala talagang makalimutan ng isip, pero maaalala pa din ng puso. Ayoko nang apurahin. Baka mapurnada nanaman. Ung akala kong okay na ako, Sa kaibuturan pala'y isa lamang panlilinlang. Pasulyap lang ako pag minsan, Hindi para masaktan pa, dahil hindi na naman masakit. Kundi para masilayan lang, na okay ka nang talaga. Hindi na gaya nang dati, luhaan nang ako'y sumuko. Panakaw-tingin lang sa mga ngiti mong minsa'y ako ang dahilan. Tit...