Malaya


Malaya ka na. 
Mula sa paghihintay sa aking pagbalik.
Mula sa sakit dulot ng aking pagbitaw.

Malaya ka na.
Mula sa matatamis na alaala.
Mula sa pait at pighati.

Malaya ka na.
Mula sa yakap ng pagmamahal ko.
Mula sa dampi ng bawat halik sa 'yong mga labi.

Malaya ka na. 
Maaari ka nang magmahal ng iba.
Maaari ka nang maging masayang muli.

Ako naman.
Ako naman ang luluha.
Ako naman ang aasa.

Ako naman.
Ako naman ang maghihintay.
Ako naman ang magdurusa.

Ako naman.
Hanggang sa matutunan kong bumitaw ng tuluyan.
Hanggang sa tanggapin kong malaya na ako mula sayo. 


Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Hindi Pa Ba Sapat?

Siguro Ay Hindi Na Ikaw

"The Girl Who Can't Be Moved"